ISANG PARANGAL AT PAGKILALA PARA SA STA. CRUZ!

Ikinagagalak ng Lokal na Pamahalaan ng Sta. Cruz na ipaalam sa ating mga kababayan na tayo ay pinarangalan bilang Top 8 Performing Local Government Unit (High Population Category) sa ginanap na pagkilala para sa National Voluntary Blood Services Program (NVBSP).

Ang parangal na ito ay iginawad dahil sa ating natatangi at walang sawang suporta sa programa para sa sakop na panahon mula Hulyo 1, 2025 hanggang Hunyo 30, 2026.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa pamahalaang lokal, kundi para sa bawat mamamayan ng Sta. Cruz—lalong-lalo na sa ating mga volunteer blood donors na walang alinlangan na nag-aalay ng dugo upang makapagligtas ng buhay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa! Patuloy nating paigtingin ang serbisyong tapat para sa kalusugan ng bawat isa!