Matagumpay na isinagawa ng Lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz ang Kick-off Activity para sa Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) bilang paghahanda sa malawakang pagbabakuna na isasagawa ngayong Agosto 10–28, 2026.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng ligtas, maagap, at epektibong pagbabakuna bilang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella.

Hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa kampanyang ito at dalhin ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na health center o itinalagang vaccination site upang mabigyan sila ng karagdagang proteksyon.

Sama-sama nating gawing mas ligtas ang bawat bata, bawat pamilya, at buong komunidad.