Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga komunidad na nanalasa ang sama ng panahon, nagbahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food pack sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Sa katuwang na suporta at koordinasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Sta. Cruz, kabuuang 248 pamilya na higit na naapektuhan ng Habagat ang naging benepisyaryo ng nasabing relief operation.

Ang maagap na pamamahagi ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad sa pagkain at kaligtasan ng bawat mamamayan sa gitna ng anumang kalamidad.